Monday, February 21, 2011

Ang Talambuhay ni Catherene Cadiz DeVilla

        Ako si Catherene C.De Villa.Isinilang noong ika apat ng Hulyo sa brgy. Bagolatao Camarines Sur .Nang aking mga magulang na sina Mary Jane DeVilla at ang aking ama naman ay si  Ernan De Villla. Ang aking ama ay tubong San Pablo at aking ina naman ay tubong Camarines Sur .Kami ay apat na magkakapatid at ako ang panganay .Sa Bikol nila ako pinabinyagan  ngunit sa San Pablo naman ako lumaki.
      
         Noong ako'y dalawang taong gulang ,ako ay ipinaghanda nila ako ng masasarap na pagkain sa araw ng aking kaarawan .Sabi nila yung cake ko ay galing sa aking lolo Erneng sayang nga at wala na siya ngayon pero alam naman namin na kapiling n siya ng Panginoong Diyos .Masaya ang aking kaarawan dahil maraming mga palaro.Noong nga palang ika labing siyam ng Marso 1996 ako ay nagkaroon pa ng pangalawang kapatid na si John Jesmar C. De Villa.Nang nagtagal ay nasundan pa kami ng dalawa ito ay sina Gerald at Jeanette.Lahat sila ay mahal ko  dahil silang tatlo ang nagsisilbing regalo sa aikn ni Papa Jesus. Pero habang tumatagal ay parang halos araw-araw kami ay nag-aaway.
         
siya si jeanette
siya si Gerald
           Taong dalawang libo't isa ako ay nagsimulang mag-aral ng elemntarya.ang una kong naging guro ay si ma'am March ang bait-bait nya tinuruan pa nga niya akong tumugtog ng lyre.Alam ko ring mahilig siya sa mga bata kahit makukulit kami  ay sinisikap pa rin nyang kami ay turuan . Sa katunayan siya ang paborito kong guro noong ako ay elementarya .Pag sapit ko naman sa ikalawang baitang  taong dalawang libo't dalawa ang naging guro ko naman ay si Mrs.Capistrano ngunit nagyon binawa na siya nang Panginoong Hesukristo ang kanyang buhay. Ngunit sa seksyon namin marami naman akong naging  kaibigan at marami ring kaaway  at syempre hindi mawawala ang unang crush na si Romeo Alcaraz ,pero noon yon hindi ngayon.Taong dalawang libo't tatlo  ako ay nag-aral ng ika tatlong baitang sa pangangalaga ng aking guro na si lola Dely .Naging kaklase ko din ang aking ate Ikay.Ito rin ang unang beses na sumali ako sa mini band .Kami rin yung tumutugtog ng Lupang Hinirang at tugtog pang-ehersisyo .Tumutugtog din kami kapag may parada  sa aming barangay .Maraming beses na kamimg tumugtog sa aming barangay..
               Ngunit ng sumapit ako sa ika apat na baitang sa taong 2004 ay napalitan ang nagtuturo sa amin nang lyre ,ito ay ang aking adviser na si Ginoong Henry Contemplacion ,magaling siya mag turong tumugtog at magaling din siya sa larangan matematika.Siya rin ang pabirito kong guro sa matematika akhit na medyo may pagkasungit siya.Natuto rin kami sa kanya ng paggawa ng polseras gawa sa kapirasong tali na may iba'ibang kulay.

                   Nang taong dalawang libo't lima naman ay umakyat ako sa ika limang baitang.Sa pangunguna ng aming gurong si Ginang Celeste Tolentino,natuto kaming gumawa ng lagayan ng cellphone at sapin sa telebisyon at iba pa.Kasama na din ang pag guhit namin ng kung anu-anong bagay na aming makita ,ang bait-bait ng aming guro.Ttinuruan din nya kaming sumayaw ng carinosa at nang kami'y matuto ay pinagtanghal  niya kami sa entablado kasama ang aking mga kagrupo.Ipinalabas pa nga yun sa QTV o channel 11 .Noong taong dalawang libo't anim ay sumapit na ako sa ika anim na baitang sa pangunguna ng aming gurong si Ginoong Enrique A. Dioso,guro ko siya sa matematika , hekasi , filipino , edukasyon sa pagpapahalaga .Si Binibining Susana DeGuzman naman ay guro ko sa larangan ng science at english. Sa kanila ako naging pangalawa sa aming klase bilang Achiever .Taong dalawang libo't pito ay nagtapos ako ng elementarya .ako'y naging masaya  ngunit may halo parin iyon  ng kalungkutan dahil mag kakahiwahiwalay kami ng aking mga kaibigan.

                   Noong taon din iyon ako ay nag aral ng secondarya sa paaralang Col.Lauro  D.Dizon Memorial National High School .pumasok ako doon ng unang antas section A, sa pangunguna ng aking unang guro doon na si Mrs.Aleli Juliano siya ay dating guidance councilor. May naging kaibigan ako doon yun ay si Shame Demejes. Ang bait-bait nya pero umalis din siya kasi lumipat sya ng paaralan.Pero nagkaroon ulit ako ng mga bagong kaibigan iyon ay sina Enrico Abrietas, Rose Ann Pamesa, at krislyn Jyd Llabres. Hanggang sa maalitaan kong ang best friend kong si Shame ay nag asawa na.



JS PROM2009-2010
                    Taong 2008 ako ay sumapit na sa ikalawang antas section B sa pangunguna ng aking guro na si Mrs.Sotalbo. Natuto ako sa kanya pagtatahi ng short,paggawa ng ekstensyon, tamang pagtatanim at iba pa.Si Mrs,Nuevo ang guro ko sa matematika masungit sya paborito nya kong tawagin at si Mrs Bidula naman ang guro ko sa Filipino. Lagi akong inaasar ni Lucky Joy De Villa, hindi kami mag kamag anak mag ka apelyido lang. Noon namang 2009 ay sumapit ako sa ikatatlong antas section C sa pangunguna ng aking gurong si Mrs. Claveria. Noong akoy 3rd year ay nakaranas akong sumali sa junior and senior promnade ang paksa namin ay semi formal. Kay ginoong esquivias kami ay natutong kumalikot ng wire.Minsan nga muntik na kong umiyak kasi na kuryante ako dahil sa aligator clip, andaya kasi ung iba cosmetics ang kanila samantala yung amin ay electricity.



                   Taong 2010 ay sumapit na ako sa antas ikaapat section C,ayos lang kasi hindi bumamaba ang aking section. Sa tingin ko nga ito na ang pinaka malas kong taon kasi namatay ang lola ko noong Hulyo 25, 2010 mahirap bago maka move on at makalipas ang ilang buwan sumunod naman ang aking ama noong December 3, 2010. Lalo namang mas mahirap yon kasi mahal ko ang aking ama. Masakit mang isipin pero wala na kaming magagawa pero naka move onn din kahit papaano.



may and me
                         Noong disyembre 26, 2010 kami ng pinsan ko ay nag bakasyon sa Pasig upang mamasyal. May bago ulit akong ka kilala siya si ate char kapatid ni tiyo Chris. Pagkalipas ng ilang araw bumalik na ulit kami sa san pablo sakay sa truck ng aking ninong. Enero 1, 2011 sinalubong namin nang masaya ang bagong taon gamit ang mga paputok at torotot. Pebrero 11, 2011 ginanap ang aming junior and senior promnade ang theme namin ay hawaiian. Sabi naman ng mga guro namin ngayon lang iyon nangyari sa aming paaralan. masaya din pero mas masaya noong isang taon.
Ella and me

                                                               



                                                                          kasalukuyan........